Wednesday, October 29, 2008

Haplos (Shamrock)

Mahal hanggang kailan
Maghihintay ang puso ko
Nangungulila sa iyo

Handog ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay
Basta’t sa kin ika’y wag nang mawawalay

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig
Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin
Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli
Wag kang bibitiw,sabay natin lalakbayin ang langit

Pa’no magwawakas
Ang paghihirap ng dibdib
Sa Diyos ako’y nananalig

Ang mundo ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad
Dahil itong puso ikaw lamang ang pinapangarap

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig
Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin
Yakapin mo ako oh hagkan mo ako muli
Wag kang bibitiw sabay natin hahaplusin ang langit.

***I really love this song
especially my favorite line here...
"Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig
Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin"
ang cute diba?

One of the songs that I love to listen
especiall when im on a ride, senting senti ang drama ng lokaloka
minsan naman, listening music before sleeping

First time kong marinig ko sa tv
theme song ng jumong na minsan ko ring kinaadikan
hindi dahil sa maganda ang istorya
kundi dahil ang cute ng bida... hahahahahaha :)